- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
ABRA
-
Diwata (feat. Chito Miranda)
Chorus: Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata (Aking diwata) Tamang hinala, di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (Talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan Ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Oh aking diwata
Verse 1: Naaalala ko pa n'ung una ka masilayan, nanghihinayang Gustung-gusto kita kausapin, Makilala, subalit may kaba Kaya nahihiya lang
Sinayang, ang nakatakdang tadhana Karapat-dapat ba na magkandarapa Sa isang prinsesa na may delikadesa Kesa sa gano'n baka game ka maging reyna
Date tayo, oo, ikaw at ako Liparin natin ang iba't-ibang parte ng mundo Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
Kung sabagay, karangalan kong alagaan At pahalagahan ang natural mong kagandahan Aminin ko man o hindi Kapag nasa paligid ay pasimple na nangingiti Sana kako tamaan
Chorus: Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata (Aking diwata) Tamang hinala, di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (Talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan Ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Find more lyrics at ※ Mojim.com Oh aking diwata
Verse 2: Hanggang sa nagkakilala muli At unti-unti nakikilala, munti Pang tumitiklop na parang makahiya Naglakas loob ah, d'yan sa kaliwa Ang daming pumipila, daig pa'ng MRT Pero diba't sa pag-ibig mas kabit 'pag less than three Anong sagot, p'ede mo 'kong tanungin May tanong ako sa'yo, p'ede mo bang sagutin Sana oo na lang din Susubukang abutin Panaginip lang kita, kaya susubuking antukin Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin
Ikaw ang aking laging nais na makapiling Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling Binibining napakaganda at wagas Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas
Chorus: Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
Verse 3 (Chito Miranda): N'ung nakita ko s'ya, 'di makapaniwala Sa taglay n'yang ganda, tinamaan din ako Teka bakit ganito, ba't napaparap ako 'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag mo na akong isama Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata
Ngayon alam ko na kung ba't nasisiraan ka nang ulo Napapakanta ka na lang na parang ganito
Chorus: Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila 'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata (Aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala Na nakita na ang pinakamakinang na tala (Talagang hiwaga) Walang katapat Bagama't pinagbawalan Ipaglalaban ka sapagka't Ikaw lang ang minamahal ko Oh aking diwata
-
|